-- Advertisements --

Inamin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na napakarami na ng aplikasyon ang kanilang natatanggap mula sa mga local at banyagang coaches na interesadong maging susunod na head coach ng Philippine men’s basketball team.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio, ito’y kahit na hindi pa nila inuumpisahan ang pormal na paghahanap para sa susunod na mamando sa Gilas Pilipinas.

Ani Panlilio, hinihintay muna nila na matapos ang unang window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Pebrero bago nila simulan ang proseso.

“I think from an international coaching point of view, a lot of them are very interested to coach national teams naman talaga eh. And I think most especially the Philippines, where really basketball is a big sport,” wika ni Panlilio.

“If they’re able to win that spot, it’s a very exciting life for them ahead. So they see opportunities.”

Maaalalang pansamantalang hinawakan ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang Gilas nitong Southeast Asian Games noong Disyembre, kung saan matagumpay na nadepensahan ng Pilipinas ang kanilang korona.

Nagbitiw kasi bilang head mentor si NLEX coach Yeng Guiao matapos ang malamyang performance ng Gilas noong 2019 FIBA Basketball World Cup.

Sa ngayon ay nagkukumahog ang SBP sa paghahanap ng magiging interim head coach ng Gilas para sa qualifiers sa susunod na buwan.