-- Advertisements --
JOE GARDENER
Joe Gardener

Naniniwala ang Climate Change Commission na isa sa mga solusyon para maalalayan ang food security sa bansa ang edible landscaping (EL).

Dahil dito, hinimok ngayon ni Albert Dela Cruz Sr., Climate Change Commissioner, ang lahat ng mga local government units (LGUs) at private sector na i-adopt ang edible landscaping bilang bahagi ng climate action plans.

Ipinunto nitong ang paggamit ng mga teknolohiya na dinivelop para sa food production na applicable sa “household-level” crop production ay magiging bentahe sa maraming paraan.

Paliwanag niya, kapag ang lahat daw ng mga householders ay gagamitin ang kanilang mga nakatiwangwang na espasyo para sa pagtatanim ay magbebenepisyo ang mga ito dahil sa kanila na mismo manggagaling ang kanilang kakainin.

Sinabi rin nitong ang ganitong uri ng production systems at technologies ay puwedeng i-adopt at ma-practice kapag ang gagamiting guiding principles ang landscape design.

Ang edible landscape ay hindi lamang daw dapat ikonsidera bilang crop production dahil kasama na rin dito ang complex activity ng planning, design, implementation at maintenance.

Dagdag ni Dela Cruz, ang edible landscaping at gardening ay posible ring makatulong sa private sector na magamit ang mga mekanismo na nasa ilalim ng Department of Agriculture Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA).

Ipinaliwanag din nitong ang pinanggagalingan ng pagkain at ang production centers ay medyo malayo na sa target populations.

Kaya ang ginagawa ay dinadagdagan na ang mga ito ng kemikal para mapahaba ang postharvest life ng mga pananim na nagpapababa sa kalidad nito at napapataas din ang health hazards.

Ang edible landscaping ay isang innovative concept na magpo-promote ng green at edible vegetation.

At sa pamamagitan nito ay magagamit naman ang mga principle ng landscape design kasama na ag kasalukuyang mga teknolohiya para sa small-scale crop at ma-utilize ang vegetables, herbs at fruit crops bilang major softscape materials na puwedeng gamiting pamalit sa ornamental plants na ginagamit sa conventional landscaping.