-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagpaalala ang Commission on Elections sa mga local officials ukol sa mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng gobierno upang maendorso ang isang kandidato sa 2023 Barangay and SK elections.

Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia sa naganap na consultative meeting dito sa probinsya kasama ang mga bumubuo ng comelec en banc.

Ayon kay Garcia, kahit mapayagan ang elected officials na mag-endorso ng kandidato sa eleksyon ay mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit nito ng mga ito ng pondo at proyekto ng gobierno, munisipyo o siudad para mas lalong makilala ang pangalan ng mga tatakbong opisyal.

Sinabi ni Garcia na simuman na mapatunayan na gumawa ng nasabing hakbang ay maaring haharap ng criminal case.

Una rito, inilahad ni Garcia na may 7,000 na mula sa higit 400,000 indibidual na double o multiple registrants ang napilahan ng kaso.

Sinabi nito na ang mga nasabing indibidual ay kabilang sa milyong double registrants na nakita simula 2010.

Samantala, ipinasigurado nito na matatanggal lahat ng nasabing registrants bago ang 2023 BSK Elections.

Maalala na una ng naglabas ng schedule of Activities ang Comelec kung saan ang nakatakdang campaign period ay mula October 19 hanggang October 28 habang ang eleksyon ay sa Oktubre 30.