VIGAN CITY – Proklamasyon na lamang ang hinihintay para pormal na maideklarang nanalo sa midterm elections ang halos lahat ng nasa ilalim ng local party ni dating Ilocos Sur governor-incoming Narvacan Mayor Luis “Chavit†Singson na BILEG party.
Sa gubernatorial race, matatawag na landslide victory si incumbent Governor Ryan Luis Singson na anak ni Chavit dahil nakakuha ito ng 288,158 na boto mula sa 99.43 na porsyento ng election results kaninang madaling araw.
Ang kalaban naman ni Singson sa pagka-gobernador na si Zuriel Zaragosa ay nakakuha lamang ng 61,339 na boto.
Samantala, sa pagka-bise gobernador, nanalo naman ang tiyuhin ng kasalukuyang gobernador na si incumbent Vice Governor Jerry Singson sa pamamagitan ng 239,251 na boto na kaniyang nakuha base sa partial and official tally laban sa kaniyang katunggali na si Atty. Anicka Zaragosa na kapatid ni Zuriel na nakakuha ng 95,294 na boto lamang.
Halos lahat ng kandidato sa pagka-board member sa una at pangalawang distrito ng lalawigan ay nanalo rin laban sa local PDP Laban party nina Zaragosa.
Sa pagka-kongresista naman, aabot sa 157,950 ang boto na nakuha ni Kristine Singson na anak ni incumbent 2nd District Rep. Eric Singson laban kay Arthur Chua na nakakuha ng 18,643 na boto.
Sa unang distrito ng Ilocos Sur, panalo sa botong 75,114 si incumbent congressman DV Savellano laban sa isa pang anak ni Chavit na si Ronald Singson na nakakuha ng 72,512 na boto.