GENERAL SANTOS CITY – Patay ang umano’y isang aktibong local terrorist group member na Dawlah Islamiyah-Hassan faction (Nilong sub-group) sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 8, Barangay Sulit, Polomolok South Cotabato Province.
Ayon kay Capt. Rommel Hitalia, deputy chief sa Polomolok Municipal Police Station ang napatay na suspek ay si Joven Saligan Cabalo.
Aniya, nabilhan ng sachet ng suspected shabu ang suspek matapos nagpanggap ang isang police officer na buyer ng iligal na droga.
Sa kasagsagan ng transaksyon, biglang bumunot ang suspek ng kanyang baril at nagpaputok matapos na napansin na mga pulis ang katransaksyon subalit nakaganti ng putok ang otoridad at ito’y tinamaan.
Hindi na umabot ng buhay si Cabalo ng naisugod sa pagamutan.
Narekober sa crime scene ang 125 motorcycle, .38-caliber revolver na mayroong dalawang bala, dalawang fired cartridges ng .38-caliber, apat fired cartridges ng 9mm handgun, P500 marked bill, at pula na coin purse na may laman na 10 sachets ng suspected shabu.
Inihayag ni PCapt. Hitalia na ang suspek na residente sa Purok 4 Barangay Lapu ang kilalang drug pusher at kabilang sa drug watchlist ng lugar.
Dagdag pa nito, si Cabalo ay nagsisilbi ring runner alang sa Nilong sub-group sa Dawlah Islamiyah nga nasangkot sa serye ng criminal at terror activities sa naturang lalawigan.