KORONADAL CITY – Nakatanggap na umano ng threat ang mga otoridad bago pa man ang pagkarekober ng dalawang mga improvised explosive device (IED) sa harap ng Catholic Church sa Brgy. Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat.
Ito ang inamin ni Cpt. Herman Luna, hepe ng Lambayong PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Luna, sa kanilang intel monitoring mga local terrorist ang nananakot na pasasabugan ang kanilang bayan ngunit hindi nila inaasahan na simbahan ang target ng mga ito.
Sa ngayon, nasa crime laboratory na ang fragments ng mga IED na nadisrupt ng Explosive Ordnance Division team at inaalam ang signature nito.
Kaugnay nito, mas hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa bayan ng Lambayong, kasunod ng pagkarekober ng dalawang IED sa labas ng Simbahang Katoliko sa Purok Rosal, Barangay Pimbalayan.
Kung hindi umano nakita nang mas maaga, malaki ang pinsala na naidulot nito.