-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Kinumpirma ng Sultan Kudarat Integrated Provincial Health Office na mayroon nang kaso ng local transmission ng COVID-19 sa nasabing lalawigan.

Kasunod ito ng pagkamatay ng 61 anyos na guro na nagpositibo sa virus mula umano sa dalawang anak nito na pawang mga frontliners.

Maliban dito, inirerekomenda rin sa provincial government ang pagsasailalim sa partial lockdown ang Sultan Kudarat Provincial Hospital upang bigyang-daan ang disinfection at pag-quarantine sa mga may exposure sa may close contact sa naturang pasyente.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Sultan Kudarat Integrated Provincial Health Officer Dr. Gina Galinato, kanila pang inaalam kung saan nanggaling ang covid-19 virus, ngunit tiniyak nitong kontrolado nila ang sitwasyon.

Dagdag ng opisyal, medyo pahirapan rin ang pag-contact trace sa halos 240 na mga nakasalamuha ng covid-19 patient ngunit may ginagawa silang paraan upang mapabilis ang pag-contact sa mga ito.