-- Advertisements --
VIGAN CITY – Pinagaaralan na ng Provincial Action Center ng lalawigan ng Ilocos Sur ang posible local transmission ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Governor Ryan Singson, posible umanong mayroon nang local transmission ng naturang virus sa lalawigan dahil sa magkakasunod na naitatalang positibo sa coronavirus na wala namang travel history at asymptomatic.
Aniya, nagpapatuloy ang sinasagawang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 at hiniling nito ang kooperasyon ng bawat mamamayan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Sa ngayon mayroong siyam na kumpirmadong kaso na corona virus sa lalawigan at hinihintay pa resulta ng kanilang swab test.