Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang local transmission ng delta variant ng COVID-19.
Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Buruea, na kahit na mayroong naitalang local na kaso sa bansa ng delta variant ay wala pa itong local transmission.
Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga local government units kung saan nakita ang nasabing kaso ng Delta variant.
Magugunitang mayroong 16 na karagdagan kaso ng delta variant ang naitala ng DOH kabilang ang 11 na tinaguriang local cases.
Dahil dito ay umaabot na sa kabuuang 35 na kaso sa buong bansa.
Sa nasabing bilang 16 ay mula sa returing overseas Filipino (ROF) habang 11 dito ay tinaguriang local cases.
Galing kasi sa United Kingdom noong Abril 26 ang ROF na gumaling sa COVID-19 matapos ang 14-day quarantine period habang ang dalawa ay galing sa Qatar.
Sa mga local na kaso ay anim ang nakita sa Northern Mindanao, lima sa Cagayan de Oro at isa sa Misamis Oriental.