-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay na nagtapos ang Valentine’s Day drama ng isang local vlogger matapos itong ma-rescue nang umakyat sa tuktok ng Magsaysay Bridge sa Butuan City kanina nang mag-away silang kanyang live-in patner.

Napag-alamang bago umakyat sa tulay si Julieto Nacua, 24-anyos, residente ng Brgy. Taligaman nitong lungsod ay nag-live pa ito sa kanyang Facebook page na naglasing dahil sa pag-aaway nilang kanyang live-in partner na si Madilyn Digdigan na umuwi sa Brgy. Curva, lungsod sa Santiago, Agusan del Norte.

Dito na siya umakyat sa tulay na nag-live at inihayag na walang ibang makakapagpababasa kanya kundi tanging si Madilyn lamang.

Habang inaantay si Madilyn ay nakikipag-negotiate naman sa kanya ang iilang personahe ng Bureau of Fire Protection sakay ng boom kungsaan nabigyan pa ito ng kanyang hininging tubig at sigarilyo at nang dumating ang kanyang live-in partner ay dito na siya nagdesisyong bumaba.