Itinigil na ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang pagpapatupad na Localization program sa deployment ng mga police personnel.
Ayon kay Sinas mayruon namang umiiral na procedures ang PNP sa kung papaano i-transfer ang isang pulis.
Ang Localization Program ay programa ni dating PNP Chief retired Gen. Camilo Cascolan kung saan ang konsepto nito ay ang mga pulis na naka destino sa kanilang mga probinsiya ay malabong masangkot sa mga iligal na aktibidad.
Inihayag ni Sinas, na ang nasabing localization program ni Cascolan ay malaki ang naging epekto sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Lalo na sa Covid-19 response ng NCRPO at maging sa kanilang anti-criminality campaign dahil sa nasa dalawang libong mga pulis ang napasama sa localization program.
Ibinunyag ng PNP Chief na ilan sa mga pulis na napasama sa localization program ay nag apply ng revocation sa kanilang assignment.
Kaya ipinag utos ni Sinas sa Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) na tulungan ang mga pulis na nais i retain ang kanilang present assignment.