-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa natapos ang contact tracing na ginawa ng Local Government Unit ng Polomolok South Cotabato matapos ginawa ang isang party sa lugar.

Matapos sinabi ni Polomolok Muncipal Mayor Honey Matti na nagpatuloy ang localized lockdown sa anim na barangay para mahanap ang mga nagka close contact sa walong COVID positive sa lugar.

Dagdag ni Matti na mahigit sa 4,000 indibidwal ang target sa contact tracing sa mga medical worker ng bayan. Isa sa bagong kaso sa lugar ay ang anim na buwan na sanggol na anak ng isa sa nagpositibu sa nasabingf virus.

Dahil dito isinara ng LGU ang mga tourism sites sa lugar habang pinahinto muna ang pag-isyu ng mga permit.

Pinaigting din ang seguridad sa boundary nito at sa lungsod ng Heneral Santos sa mga papasok na mga sasakyan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga dokomento.