-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Extended ang pagsasailalim sa localized lockdown at road closure sa ilang mga lugar sa Midsayap, Cotabato.

Itoy matapos aprubahan ng Region XII Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang kahilingan ng lokal na pamahalaan na palawigin pa ito ng hanggang September 25.

Batay sa ICS-EOC Joint Resolution No. 3, palalawigin pa ang lockdown sa ilang residential compunds sa Brgy. Poblacion 1 at Poblacion 6 partikular sa Burgos Street, ilang business establishments sa Old Public Market sa Poblacion 1 at Bagsakan Public Market sa Poblacion 5 na pagmamay-ari ni Patient No. 7 sa bayan.

Ang mga nabanggit ay may may kaugnayan sa local transmission case na naitala sa Midsayap na siyang kauna-unahan sa lalawigan ng Cotabato.

Sa ngayon, base sa huling tala ng Rural Health Unit of Midsayap, nasa 16 na ang kabuoang bilang ng infections sa bayan kung saan 10 rito ang nananatiling active cases o patuloy na nagpapagaling.