-- Advertisements --
Martin Andanar
PCOO Andanar

CAGAYAN DE ORO CITY-Pangunahan ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar ang pagtatag ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa rehiyon 10.

Itoy matapos siyang itinalaga ni Pres. Rodrigo Duterte bilang chairman ng Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS).

Sa isinagawang press briefing sa tanggapan ng NEDA region, sinabi ni Sec. Andanar na kanilang itatag ang Regional Task Force sa kanilang meeting kasama ang mga miyembro ng Regional Peace Development Council sa Malaybalay City, Bukidnon bukas.

Daluhan rin ito nina DND Sec. Delfin Lorenza, DILG Sec Eduardo Ano, at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Chairman-National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Ayon kay Andanar, pangunahing layunin ng Regional Task Force na mapaigting ang localized peace talks ng pamahalaan para maresulba ang matagal ng problema sa insurhensiya ng bansa.

Layunin rin nito na mapatupad ang mekanismo para sa localized peace talks na tatagal ng anim na buwan.