Magsisimula ngayong araw ang pagbisita ng itim na Nazareno o Black Nazarene sa iba’t-ibang bahagi ng bansa o tinatawag na localized Traslacion.
Ang nasabing programa ay may ilang pagbabago dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Father Douglas Badong ang parochal vicar ng Minor Basilica ng Black Nazarene na unang dadalhin ang imahe ng Itim na Nazareno sa Our Lady of Angels Church sa Quezon Province.
Magtatapos ang pag-iikot ng imahe ng Black Nazarene sa Nazarene Catholic School sa Hidalgo St. Quiapo Manila sa Enero 8.
Hinikayat nito ang mga mananampalataya na sa kaniya-kaniyang simbahan muna sila mag-novena dahil may mga imahe ng Black Nazarene ang magtutungo sa simbahan.
Nauna kinansela sa ikalawang sunod na taon ang tradisyunal na Traslacion para maiwasan ang kumpulan ng mga tao.