-- Advertisements --
Uumpisahan nang gamitin ngayong araw ang locally made testing kits ng UP doctors para sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Dr. Raul Destura, deputy executive director ng Philippine Genome Center, limang ospital muna ang pilot area nila ngayon, bago ipagamit sa iba pang pagamutan.
Nasa 60 hanggang 70 porsyentong mababa ang presyo nito kung ikukumpara sa foreign products.
Dahil sa development na ito, mas mapapabilis na ang test para sa mga suspected virus carrier.
Noong mga nakaraang buwan kasi ay dinadala pa sa Australia ang samples para makumpirma kung positibo sa COVID-19.