-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 cases sa Cotabato Province sa loob ng 24 oras batay sa report ng DOH- 12 kagabi.

Ayon kay EOC Manager Board Member Philbert Malaluan, siya ay 29 anyos na babae mula sa President, Roxas Cotabato at isang LSI.

Siya ay dumating sa probinsya nitong August 03 at doon na kinunan ng swab test bilang bahagi ng protocol ng paliparan.

Mayroon siyang sakit na cancer at kinuha ng ambulansiya ng LGU para sa kanyang 14-day mandatory quarantine.

Tiniyak naman ni Malaluan na nasa stable condition na ang pasyente at assymptomatic na rin.

Sa ngay o n ay umakyat na sa 55 katao ang nagpositibo sa Covid 19 sa probinsya ng Cotabato at 39 ang recoveries.