-- Advertisements --
Walang plano si US presumptive president Joe Biden na magpatupad ng lockdown o shutdowns para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Celine Gounder, isang miyembro ng Biden-Harris transition COVID-19 advisory board, na hindi nila pinag-uusapan ang naturang panukala.
Dagdag pa nito na ipapatupad lamang nila ito sa isang partikular na lugar kung saan mayroon ang transmission gaya sa paaralan, gym at sa mga kainain.
Paglilinaw din nito na nais ni Biden na bukas ang mga paaralan hanggang walang masyadong nangyayaring malawakan na hawaan ng virus.