ROXAS CITY – Hindi babawiin ng Bahrain government ang lockdown kung patuloy na may magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Edmar Lopez, tubong Bergante, Mambusao, Capiz at ngayon ay nagtatrabaho bilang logistics coordinator ng isang kumpaniya sa Bahrain mas hinigpitan pa ng gobyerno ang quarantine protocols para makontrol at hindi kumalat ang COVID-19 sa bansa.
Sarado pa rin hanggang sa ngayon ang ilang mga malls, bars at border ng Bahrain at Saudi Arabia.
Ilang mga fastfood chains ang tumatanggap ng take out order at delivery order basis lamang.
Operational naman ang public transport ngunit mahigpit ang pagpapatupad ng social distancing lalo na sa pampublikong lugar.
Hindi rin nagkakaubusan ng face mask sa Bahrain dahil isa ang pinagtatrabahuan ni Lopez sa mga nag-iimport ng face mask sa ibang bansa, lalo na at maraming order sa kanila ang mga ospital.
Hindi rin pinababayaan ng embahada ng Pilipinas ang mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil may natanggap silang financial assistance mula sa gobyerno.
Buhay rin ang bayanihan spirit sa Bahrain, dahil tinutulugan ng ibang mga Pinoy ang ilang mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.
Samantala may COVID-19 hotline number ang gobyerno na maaring tawagan para sa mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019, kung saan kaagad silang pupuntahan para tulungan.