-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Magsisimula mamayang hatinggabi ang ipapatupad na Executive Order No. 19 ni GenSan Mayor Ronnel Rivera.

Ito ay kaugnay sa umano’y mas mahigpit pang pagpapatupad ng lungsod sa home quarantine.

Nilinaw ng alkalde na mayroong ibibigay na quarantine card para sa mga lalabas ng siyudad.

Aniya, ang papayagan lamang na makalabas ng bahay at makadaan sa inilagay na checkpoint ang mga miyembro ng AFP, PNP, medical persons, mga miyembro ng media, at nagserbsiyo sa mga kompanya ng patubig, kuryente, ospital, pharmacy at iba pa.

Nabatid na kaninang hatinggabi lang nang magpatupad rin ng lockdown ang South Cotabato matapos naglagay ng checkpoint si Gov. Reynaldo Tamayo Jr sa boundary ng Polomolok at GenSan.