CENTRAL MINDANAO- Hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa bayan ng Midsayap Cotabato sa nalalapit na Halad Festival 2020 ngayong Enero 18.
Ayon kay Midsayap Chief of Police,Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na magpapatupad sila ng”lockdown” kasabay ng halad festival 2020.
Pinagbabawal ang magdala ng backpack,pagsusuot ng sombrero at jacket with hood.
Titirahin din ng mga snipers ng pulisya at militar ang mga drone na lilipad sa himpapawid kasabay ng Street Dancing and showdown competition na walang pahintulot sa mga otoridad.
Sinabi naman ni dating Board Member at Halad Festival Over-all operation chairman Rolly Sacdalan na 95% ng handa ang lahat ng mga komitiba sa gagawin na halad festival 2020 sa kapistahan ni Pit Senior Sto Nino.
Kinumpirma naman ni Halad Sto Nino Association President Maureen Cacabelos na maglalaban ang mga magagaling na mga contingent o kalahok sa Street dancing at showdown competition na nagmula pa sa Maguindanao at ibang bayan sa probinsya ng Cotabato.
Nakasisilaw na pa premyo ang tatanggapin ng mga mananalong mga kalahok.
Umarangkada na din ang ibat-ibang aktibidad sa nalalapit na kapistahan ni Pit Senior Sto Nino sa bayan ng Midsayap kagaya ng dog fun run,prosesyon ng mahal na poong sto nino,novena at iba pa.
Inimbitahan naman ni Halad Festival 2020 over-all Chairperson Enedina Cacabelos ang lahat na makiisa at makisaya sa taunang halad festival sa Midsayap Cotabato.