-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iniutos na ngayon ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Don Marcelino, Davao Occidental ang 24/7 lockdown sa pagbebenta ng mga baboy at karneng baboy sa kanilang lugar.

Ito’y matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa walong mga barangay na sakop ng Don Marcelino kung saan halos 1,000 mga baboy ang namatay.

Ang naturang mga barangay ay kinabibilangan ng Barangay Mabuhay, South Lamidan, Calian, Nueva Villa, Linadasan, North Lamidan, Lawa, at Baluntaya.

Sa ngayon patuloy pa rin ang validation ng Department of Agriculture patungkol dito.

Inihyag ni Department of Agriculture-11 Regional Executive Director Richard Oñate Jr., nakipag ugnayan na sila sa local government unit sa buong probinsya ng Davao Occidental, kapulisan at kasundaluhan matapus idineklara ang lockdown sa buong probinsiya.