Ipinatupad ang lockdown sa Brgy. 15 San Guillermo sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte hanggang Abril 26.
Alinsunod sa Executive Order No. 018 Series of 2020 ni Mayor Michael Marcos Keon, magtatagal ang lockdown sa loob ng tatlong araw habang hinihintay ang resulta ng isang suspect COVID-19 patient mula sa nasabing barangay.
Nilagyan na ng barikada ang lahat ng pasukan o labasan ng mga residente pati na rin ang paglagay ng checkpoint at border control sa main entry at exit points ng mga boundary sa nasabing barangay.
Pinapayuhan din ang bawat residente na manatili lamang sa loob ng kanilang bahay.
Pinapayagan namang lumabas ang mga health workers, miyembro ng PNP, AFP, government workers, opisyal ng barangay at media.
Samantala, pwedeng mapilaan ng kaso na paglabag sa RA 11332 ang sinuman na lalabag sa nasabing order.
Sa ngayon, wala pang naitalang kumpirmadong kaso sa Ilocos Norte maliban sa naunang dalawang pasyente na nakarekobre na.