-- Advertisements --
Papayagan nang makabisita simula ngayong araw ang mga kaanak ng mga inmates na nakapiit sa maximun security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Ito ay matapos ang 22-araw na “lock-down” ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon sa BuCor, mabibigyan ng maikling oras lamang ang mga kaanak ng mga inmates na dumalaw.
Mangyayari lamang ang pagdalaw dalawang beses lamang sa loob ng isang linggo sa pagitan ng Miyerkules hanggang Linggo.
Magugunitang ipinatupad ni BuCor chief Gerald Bantag ang “lockdown” para mabigyang daan ang paggiba sa mga iligal na structures o kubol sa loob ng maximum security compound.