-- Advertisements --

Niliwugan na ng Israel ang kanilang lockdown matapos ang matagumpay na pagsisimula ng vaccination program laban sa COVID-19.

Lumabas kasi sa kanilang pag-aaral na mayroong 95.8% na epektibo ang Pfizer vaccine na nagpababa ng bilang ng mga namamatay at itinatakbo sa pagamutan.

Sinimulan ng buksan ang mga shops, libraries at museums pero mahigpit pa rin nilang ipinapatupad ang social distancing at pagsusuot ng mga facemasks.

Ayon sa Health Ministry ng Israel na ito na ang unang hakbang para sa pagbabalik normal ang pamumuhay.

Magugunitang nagpatupad ng lockdown ang bansa noong Disyembre 27 dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.