ROXAS CITY – Tinanggal na ang ipinatutupad na lockdown dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa Denmark.
Ito ang inulat sa Bombo Radyo ni Bombo International Correspondent Natasia Balgos.
Ayon kay Balgos, mula noong Marso 11 ipinatupad ang lockdown at noon pang Abril 20 ay napagdesisyunan ng gobyernong tanggalin ito dahil kontrolado na ang pag-akyat ng kaso ng naturang sakit.
Sa ngayon umano ay balik-normal na ang lahat sa bansa kung saan unti-unting nang nagbukas ang ilang non-essential establishments.
Malaya rin umanong lumabas ang mga tao sa bansa kung saan hindi na rin halos gumagamit ng face mask ang mga ito.
Wala rin umanong naging epekto ang COVID-19 pandemic sa public transport katulad ng metro at buses.
Sa ngayon ay pinaiiwas muna ang pagsagawa ng mga aktibidad na mayroong ‘public congestion’ upang maiwasan ang paglaganap ng naturang sakit.