-- Advertisements --

Sinimulan na ng India ang pagluwag na ipinatupad na nationwide lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Ang nasabing hakbang ay para maituloy na ang ilang negosyo lalo na sa farming na may maraming mga empleyado.

Ilan sa mga ipinagbabawal par in ay ang pagdeliver ng mga tinatawag na non-essential items gaya ng mobile phones, computers at refrigerators ng mga e-commerce firms.

Hindi pa rin niluluwagan ang mga lugar na mayroong matinding bilang o tinatawag na “hotspots” ng virus.

Nananatili naman suspendido ang mga domestic at international flights at inter-state travel ay mananatiling suspendido.