-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Italy ang kanilang lockdown hanggang Mayo 3.
Nagsimula ang lockdown mula March 9 hanggang Abril 3 pero ito ay pinalawig mula ng hanggang Abril 13.
Sinabi ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte, na naging epektibo ang nasabing lockdown dahil patuloy na bumababa ang kasong naitatala.
Nanguna pa rin kasi ang Italy sa may pinakamaraming namatay dahil sa coronavirus na umaabot na sa 18,849.