-- Advertisements --

LAOAG CITY- Dumami na naman ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Jordan matapos matanggal ang lockdown sa lugar.

Ito ang naging pahayag ni Bombo International Correspondent Clarissa Colcol, tubong Solsona, Ilocos Norte na kasalukuyang nagtatrabaho sa Jordan.

Sinabi ni Colcol na pagkatapos ng dalawang linggo na walang nai-report na kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa ay kaagad na tinanggal ang lockdown.

Aniya, kasama sa mga nagbukas ay ang mga paliparan sa naturang bansa.

Inihayag pa ni Colcol na ang dahilan ng pagdami ng kaso ng covid-19 sa lugar ay ang pagdami rin ng mga bumabalik mula sa iba’t-ibang lugar matapos mabuksan ang mga paliparan.

Dahil dito, muling isasailalim sa lockdown ang bansang Jordan sa Lunes.