-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Melbourne, Australia ng dalawang linggo ang ipinapatupad na lockdown.

Sinabi ni Victoria State Premier Daniel Andrews, na magtatapos ang lockdown ng hanggang Setyembre 28.

Ilan sa mga ipapatupad na restrictions ay ang pagkakaroon ng curfew mula alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Pumalo na kasi sa mahigit 26,000 ang kaso ng coronavirus sa Australia at 753 na ang nasawi.