GENERAL SANTOS CITY – Nagpatupad ng “lockdown” ang Sarangani province matapos nagka-outbreak ang katabing probinsya ng Davao Occidental dahil sa African swine fever (ASF).
Nagresulta ito ng pagkamatay ng mahigit 1,000 na baboy at mayrrong iniulat na natalang kaso sa Davao del Sur at sa Koronadal City, South Cotabato.
Ayon kay Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon na nagpatupad ng lockdown at pag-ban sa buhay na baboy at karne nito sa mga boundary area ng probinsya para makatiyak na hindi makalusot sa Sarangani.
Inihayag nito na hindi biro kung sakaling makapasok ang ASF sa Sarangani dahil tiyak na makakaapekto ito sa mga mamamayan na naging kabuhayan na ang pag-aalaga ng baboy.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan sinabi ng isang Lady Love Campana, residente ng Malita, Davao Occidental na hinigpitan ng mga otoridad ang pagbabantay sa kanilang lugar matapos naitala ang kaso sa ASF.
Dahil dito wala na umanong nagbebenta ng karne ng baboy sa mga pamilihan.