-- Advertisements --

Pinalawig pa ng hanggang June 20 ang ipinapatupad na lockdown sa H. Monrory St. Navotas West dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus.

Sinabi ni Mayor Toby Tiangco, na ito ang naiisip nilang paraan dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Mismong ang City Health Office ng Navotas ang nagrekomenda ng nasabing pagpapalawig ng lockdown at sila ay nakikipag-ugnayan sa Department of Health.

Hindi naman aniya tiyak ng alkalde kung mapapalawig pa ang nasabing lockdown basta depende aniya sa kalagayan sa mga susunod na mga araw.