-- Advertisements --

Pinalawig pa ng hanggang Hunyo 13 ang ipiapatupad na lockdown sa New York.

Ito mismo ang laman ng executive order na pirmado ni state governor Andrew Cuomo.

Nakatakda kasing matapos ang nasabing ipinatupad na Statewide lockdown nitong Mayo 16 kaya minabuti nito na palawigin ito.

Niluwagan naman nila ang Stay at home orders nila habang ang mga negosyo ay dahan-dahan namang binubuksan.

Magugunitang nagunguna ang New York City sa US na may pinakamaraming kaso ng nadapuan ng coronavirus.