ROXAS CITY – Nagpapatuloy pa rin ang istriktong pagpapatupad ng lockdown sa Oman dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Marites Calcena sa kaniyang ulat sa Bombo Radyo.
Aniya wala pang anunsiyo ang gobyerno sa bansa kung hanggang kailang tatagal ang ipinatutupad na lockdown.
Inihayag nito na nagpapatuloy ang pagpapatupad ng ilang restrictions katulad ng pagsuot ng facemask at pag-obserba ng social distancing.
Idinagdag pa nito na hinuhuli rin ng mga otoridad ang sinumang lumalabag sa ipinatutupad na lockdown.
Wala naman umanong problema sa implementasyon ng lockdown dahil disiplinado rin ang mga residente sa bansa.
May ilang overseas Filipino workers (OFW’s) rin ang tumigil sa kanilang trabaho dahil sa lockdown ngunit may natatanggap naman umano silang ayuda mula sa embahada ng Pilipinas sa bansa.