-- Advertisements --

LAOAG CITY – Pinalawig ng gobyerno ng Russia ang lockdown hanggang sa Hunyo 14.

Ito ang kinumpirma ni Mrs. Trifina Gardoque, overseas Filipino worker sa Moscow Russia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Gardoque, sinabi nito na ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases ang dahilan sa extension ng lockdown.

Dahil sa extension ng lockdown ay patuloy naman ang implementasyon ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras, pagdadala ng dukomento kapag lalabas sa bahay at quarantine pass.

Dagdag ni Gardoque na aabot sa 5,000 Rouble o katumbas ng mahigit 3,600 pesos ang multa ng lalabag sa patakaran ng lockdown.

Sa ngayon, sinabi pa ni Gardoque na nakakaranas sila ng pag-ulan dahilan para magdoble ingat sila at hindi gaanong lumalabas sa kanilang tirahan.