-- Advertisements --

Sinimulan na ng gobyerno ng Melbourne Australia ang ikalawang lockdown dahil sa muling pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Tatagal ang nasabing lockdown ng hanggang anim na linggo kung saan hindi papayagan ang nasa limang milyong residente na lumabas sa kanilang bahay.

Papayagan lamang ang mga lalabas kapag bibili ng mga essential goods gaya ng gamot at pagkain.

Maglalagay naman ang mga kapulisan ng “ring of steel” sa buong lungsod at kaliwa’t kanang checkpoints.

Isinara na rin ang mga borders ng nasabing lugar.

Sinabi naman ni Prime Minister Scott Morrison na ang kanilang ginagawa ay para sa kapakanan ng mga mamamayan.