-- Advertisements --
locsin
IMAGE | DFA Sec. Teodoro Locsin, Jr. at UN Convention on the Law of the Seas

Nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddyboy Locsin Jr. na maaari pang magamit ni dating Sec. Albert del Rosario ang diplomatic passport nito sa kabila ng pagkansela rito ng kagawaran kamakailan.

Ayon kay Locsin, kasalukuyang inaamiyendahan ng DFA ang panuntunan sa pagbibigay ng naturang passport, gayundin ang limitasyon sa paggamit nito.

“DFA asked, Why does HE have a courtesy blue passport. DFA: because under guidelines he is entitled to one so he has it properly. But this problem. Well then we abolish courtesy blue passports across the board of ex-diplomats. Others, eg special envoys still okay koz they work,” sa isang Twitter post.

Hindi raw kasi nagtutugma ang nakasaad sa Department Order na ni-release ng kagawaran noong 1993 sa nilalaman ng
panuntunan ng Intellectual Property Code at Philippine Passport Act.

Sa ilalim kasi ng Department Order No. 12-93 inaatasan ang pagbibigay ng diplomatic passport bilang pagkilala sa mga dating secretary ng DFA at iba pang government official.

Pero sa Republic Act 8293 daw ay hindi kasama ang former DFA secretary sa mga i-issuehan ng diplomatic passport.