Hiniling na mismo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kay Senate President Vicente Sotto III na magpasa na lamang ng batas upang i-decriminalize ang libel.
Ginawa ni Locsina ng panukala bilang kasagutan sa Twitter message ng isang law professor ukol sa pagka-convict kay Rappler CEO Maria Ressa sa cyber libel case.
Kaugnay nito, nanawagan si Locsin sa Senate President na sa bubuuing batas ay dapat patawan na lamang ng multa ang isang journalists sa halip na ikulong dahil mas masakit ito.
“Let’s decriminalize libel, Senate President Sotto. The money damages alone are far, far, far, far more painful,” ani Sec. Locsin, na isa ring dating journalist. “Bankruptcy hurts more.”
Sumagot din naman si Sotto sa kalihim: “I wish it were that easy.”
Tinukoy pa ng Senate president na ang kanyang lolo na dati ring naging senador at kapangalan niya ang yumaong si Sen. Vicente Sotto Sr. ay naging author pa ng 1946 Press Freedom Law.
Gayundin ang pagsisinungaling daw ay nakapaloob na sa Ten Commandments.
“I wish it were that easy. Grandpa was the author of the 1946 Press Freedom Law. Unfortunately, Lying (libel) is found in the Ten Commandments.”