Kumabig si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr. sa nauna nitong tila nangmaliit sa umano’y pagtangay ng China sa malalaking kabibe sa West Philippine Sea.
Tumugon si Locsin sa pahayag ng Malacañang na paglabag sa soberanya ng bansa ang ginawang paggalaw ng Beijing sa naturang laman ng dagat na nasa teritoryo ng bansa.
“What is an affront is not that they are clams but that these provocations are not even for projection of Chinese power but to feed flaccid Chinese who believe it will give them a hard on. So embarrassing a friendly govt was just pangpatigas. Wow, man… unbelievable… pass the joint,” ayon sa kalihim.
Kung maaalala, binatikos sa social media si Locsin matapos umano nitong maliitin ang ulat ng pagtangay daw ng China sa mga taklobo o giant clams, gayundin sa naging epekto nito na pagkasira ng corals.