-- Advertisements --

Pormal na makikipag-ugnayan si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr kay Hong Kong Chief Executive Carrie Lam.

Ito ay para hikayatin si Lam na tanggapi ng kaniyang gobyerno ang mga vaccination card mula sa mga Filipino na nagtutungo sa Hong Kong.

Sinabi kasi ni Locsin na hindi kinikilala sa Hong Kong ang mga vaccination card ng mga Pilipinong natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas.

Gumagawa na rin ng paraan ang Philippine Consulate sa Hong Kong para magkaroon ng vaccination certificates mula sa Philippine Bureau of Quarantine na kinikilala ng mga lokal na otoridad.