-- Advertisements --

Ipinanukala ni Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin na dapat palakasin na ang pwersa ng militar ng Pilipinas at itigil na umano ang pagtatapon ng pera sa kahirapan kasunod ng agresibong pagkilos ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Ginawa ni Sec. Locsin ang pahayag matapos tawagin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang atensyon kaugnay sa 2013 China Daily Mail report kung saan ibinabahagi ni retired rear admiral Zhang Zhaozhong kung anong estratehiya ang dapat gagamitin ng Chinese People’s Liberation Army sa mga disputed areas.

Sa tugon ni Sec. Locsin, sinabi nitong maituturing ng “free world” ngayon matapos talunin ng US Central Intelligence Agency (CIA) ang Union of Soviet Socialist Republics (USSR).

Ayon kay Locsin, malaya na ang bawat bansang magpahayag ng iniisip pero anuman ang sasabihin nito ay hindi basehan o magdetermina ng foreign policy.

Inihayag ni Locsin na mas mabuting sabihan ang national budgetary process na buhusan ng pera ang pag-aarmas panggiyera imbes na ibuhos sa kahirapan.

“Every country can speak whatever is on its mind. What it says should not determine foreign policy but it should inform the national budgetary process that we gotta stop throwing money at poverty and throw it at weaponry,” ani Sec. Locsin.