Kung si Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. ang tatanungin, dapat na kanselahin muna ang kasalukuyang sistema ng pagbibigay visa sa mga turistang Chinese sa Pilipinas.
Ito’y matapos aminin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na banta sa seguridad ng bansa ang buhos ng mga bisitang Chinese.
Para kay Locsin, dapat higpitan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng visa ang naturang mga dayuhan, taliwas sa kasalukuyang sistema na “visa on arrival.”
Nitong Martes nang aminin ni Locsin na naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China.
Ito’y kasunod ng mga ulat na daan-daang Chinese vessels ang nakitang naglalayag sa Pag-asa Island, gayundin na may Chineses warships na dumaan sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi.
“We need to put an end to visas upon arrival; all visas should be issued by consular offices after vetting. We must take extra care in outsourcing any part of the visa application process, picking only the most reputable worldwide,” ani Locsin.
“There are so many Chinese fishing vessels there. The newest… last July 24, 113 boats have been spotted and we are currently looking at it and I have recommended filing diplomatic action,” ani Esperon.
Sinang-ayunan naman ni Senior Assoc. Justice Antonio Carpio ang hakbang na ginawa ng estado.
“If they (China) want to pass thru under innocent passage rule that means they have to pass in a continous and expeditios straight line,” ani Carpio.”If they (China) want to pass thru under innocent passage rule that means they have to pass in a continous and expeditios straight line.”
Sa kabila nito, sinabi ni Esperon na hindi bullying ang ginawa ng China.
Para sa cabinet official, malinaw na naisahan lang ng mga dayuhan ang bansa kaya dapat na maging mahigpit ang estado sa pagbibigay ng hakbang dito.