Sisikapin umano ng pamahalaan ng Pilipinas na mapauwi ng bansa ang lahat ng Pinoy na nagtatrabaho sa Libya sa gitna ng mas paglala ng tensyon ng civil war.
Sa kanyang online post nitong umaga, nagmakaawa na si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr., sa natitirang mga Pilipino sa Libya dahil wala aniyang katiyakan kung kailan matatapos ang hidwaan sa pagitan ng Libyan government at revolutionary army.
Nauna nang nanawagan ni Charge d’Affaires Elmer Cato sa 60 Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Ali Omar Ashkr Hospital na nasa distrito ng Esbea.
Ayon kay Cato, hindi na ligtas ang bisinidad ng naturang ospital dahil malaki ang tiyansang bagsakan ito ng mga pampasabog mula sa naglalaban na dalawang panig.
Batay sa datos ng DFA, nasa 1,000 ang bilang ng mga Pinoy sa capital city na Tripoli na malapit lang sentro ng bakbakan.
Nasa 32 naman na ang mga Pilipinong nagpasaklolo sa embahada at naiuwi na rito sa bansa.
Nangako ang DFA hindi aalisin ang implementasyon ng voluntary evacuation.
Umapela rin ang kagawaran sa kaanak ng mga Pinoy sa Libya na sila mismo ang kumumbinse sa mga ito na umuwi na ng Pilipinas.