-- Advertisements --

Hindi naitago ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Jr. ang paglalabas ng pagkontra sa sinasabi ng ilang opisyal ng pamahalaan ukol sa binabalangkas na Department of Overseas Filipinos (DOFil).

Sa pagdinig kasi ng Senate committee on labor and employment, nagbigay ng opinyon ang ilang kinatawan at opisyal ng mga ahensyang concern sa kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Isa sa mga ito si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Abdullah Mamao, kung saan isinusulong nito ang ilang consular functions sa loob ng DOFil.

Pero tutol dito si Locsin, dahil hindi raw niya ire-reduce ang consular status para sa hiwalay na ahensya.

“One thing sure, DOFW will have attachès but never consuls. So Mamao don’t you dare browbeat my DFA people on that issue. Who the f*** do you think you are? Be careful. I will not debase the consular status,” wika ni Locsin.

Giit nito, attachès ang nababagay sa naturang departamento at hindi ang consuls.

Naniniwala naman si Mamao na ang consular functions ang isa sa magpapalakas sa DOFil, kaya nararapat lamang itong isama sa papel ng bagong tanggapan.