-- Advertisements --

Isinailalim na ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa state of emergency ang central city ng Lod dahil pa rin sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants.

Una rito, nauwi sa riot ang pagpoprotesta ng ilang mga Israeli Arabs sa lungsod ng Lod, matapos na pagbabatuhin ng mga protester ang mga police na gumanti naman ng bomba.

Israel gaza rockets
Every red dot marks sirens in Israel over the last 30 minutes: Israel is under attack – IDF

Sinabi ni Lod City Mayor Yair Revivo na out of control na ang nangyayaring kaguluhan sa lugar.

Sa kasalukuyan, mahigit 1,000 rockets na ang pinakawalan ng Palestinian militants sa central at southern Israel mula pa noong Lunes.

Target umano ng Israeli military ang mga Palestinian militants sa Gaza bilang ganti sa pagpapakawala ng rockets sa Jerusalem.

Ayon naman sa Health official ng bansa, nasa 35 Palestinians sa Gaza ang binawian na ng buhay dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan kung saan 10 dito ay pawang mga bata habang limang Israeli naman ang namatay.