-- Advertisements --

Tulad ng nang inaasahan walang idineklarang nanalo sa naganap na exhibition match sa pagitan ng retired American boxing champion na sina Floyd Mayweather Jr. at YouTube star na si Logan Paul.

Ang kontrobersiyal na banggaan ng dalawa ay naganap kanina sa Hard Rock Stadium sa Miami kung saan umabot din sa eight rounds ang laban.

Ang 26-anyos na si Paul ay nagsimulang maging agresibo sa unang mga rounds.

Pero pagsapit sa halos kalagitnaan ay doon na bumawi ang beteranong si Mayweather at sinamantala ang halatang pagod na si Logan.

LOGAN PAUL MAYWEATHER FLOYD
Photo from @LoganPaul

Batay sa punch statistics umabot lang sa 28 sa mga suntok ni Paul ang tumama mula sa 217 pinakawalan.

Kabilang na ang kakarampot na 21 mula sa 144 na mga power punches.

Mas marami naman ang tumamang suntok mula kay Mayweather na umabot sa 36 mula sa 93 na mga power punches.

Ang exhibition match ay walang judges sa ringside.

Una na itong umani ng batikos pero tiyak daw na kikita ang dalawa mula sa pay per views at iba pang promosyon.

Tinatayang si Paul ay tatabo ng $20 million habang mas malaki pa ang kay Mayweather.