-- Advertisements --

Iloilo City, isa sa limang lungsod sa buong mundo na kinilala ng World Resources Ross Center Prize for Cities dahil sa matagumpay na pabahay para sa mga informal settlers

Pinarangalan ang Iloilo City ng World Resources Ross Center Prize for Cities dahil sa matagumpay nitong inisyatibo para sa pagpapatayo ng pabahay sa mga informal settlers at urban development.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ms. Sonia Cadornigara, Regional Coordinator of the Homeless People’s Federation of PH, Inc. for Iloilo City, na siyang tumanggap ng award sa seremonya na isinagawa sa New York,USA,sinabi nito na ang nasabing award ay patunay ng partnership sa pagitang ng Iloilo City Government at ibang pribadong sektor upang mabigyan ng prayoridad ang ibat ibat pproyekto na may kaugnayan sa flood control at urban poor.

Napag-alaman na ang Iloilo City lamang nag-iisan lungsod sa Southeast Asia na nakatanggap ng nasabing parangal.

Ang ibang awardee ay ang Paris sa France, Odisha sa India, Peshawar sa Pakistan kag Baranquillo sa Colombia.