-- Advertisements --
Valenzuela City Hall MacArthur Highway Valenzuela 10 03 2021

Nagsagawa ng Basic Sign Language training ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Valenzuela para sa mga pamilya ng mga residenteng deaf at para narin sa mga Deaf Community Advocates.

Ito ay sa pakikipagtulungan narin ng naturang lungsod sa National Vocational and Rehabilitation Center o NVRC.

Tumagal ng tatlong araw ang pagsasanay na ito at talaga namang malaki ang tulong sa mga pamilya na mayroong kamag-anak na may problema sa pandinig.

Umabot sa 30 indibidwal ang nakibahagi sa training na isinagawa sa Academic Center for Excellence sa Valenzuela City

Layunin ng programang ito na mapabuti ang kanilang communication skills sa kanilang mga kaanak na may kapansanan at sa buong deaf community.

Sa isang pahayag, binigyang diin rin ni Valenzuela City Persons with Disability Affairs Office Officer in Charge Ms. Snooky Cortez, hangad rin ng training na ito na palawakin pa ang kaalaman ng publiko sa deaf community at maisulong ang inclusivity sa lungsod.