-- Advertisements --

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan bukas Hunyo 12, nakatakda namang magsagawa ang lokal na pamahalaan ng Caloocan ng Kalayaan Job Fair.

Bukas ito sa lahat ng mga job seeker na gustong makahanap ng disenteng trabaho.

Batay sa abiso ng LGU, magsisimula ito dakong alas 9 ng umaga bukas hanggang alas 5 ng hapon sa isang mall sa lungsod.

Ito ay pangungunahan mismo ng Caloocan Public Employment Service Office at ng Department of Labor and Employment at iba pang partners.

Lalahok dito ang ilang BPO industry, trading, manufacturing, at construction sector na naghahanap ng deserving sa kanilang mga inaalok na posisyon.