-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nanawagan ngayon sa lokal na pamahalaan ng Davao ang hepe ng Integrated Gender and Development Division na si Lorna Mandin na palakasin ang pagbibigay ng trabaho, pagkakakitaan, at pagsasagawa ng skills training para sa mga indibidwal na walang trabaho.

Ito ay may kinalaman sa pagtaas ng bilang ng rape cases sa syudad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Davao sa opisyal, kinumpirma nito na kadalasan sa mga natalang suspetsado sa kasong rape, mga jobless o walang trabaho.

Umaasa ang opisyal na kung may economic activities ang mga posibleng suspect, hindi nito magagawang mag take advantage sa mga kababaihan.

Nanawagan na lamang ang opisyal sa mga rapists na imbis na manggahasa, ibaling na lamang ang attention sa paghahanap ng mapagkakakitaan.

Nagpaalala din si Mandin sa mga biktima na isumbong sa awtoridad, pamilya, o sa mga ahensya ang kagaya nitong insidente.